Grade school pa lang ako ng pinatanggal ng Mommy ko ang kanyang mga ovaries dahil sa Mayoma. Dahil dun, tinanggalan na siya ng karapatan para mag-conceive ng anak. Nakakalungkot para sakanya at sa Daddy ko. Celebration naman para sa akin. Ayoko sa mga bata noon. Naiinis ako kapag may nilalarong ibang bata ang Mommy ko. Nagiinit ang ulo ko sa tuwing dumadalaw ang 4-year old kong kinakapatid samin at dahil cute siya, aliw na aliw sakanya ang mga magulang ko. Mabilis ako magtampo lalo na kapag wala sakin ang atensyon nila. Oo, ako na ang attention-seeker. Gusto ko kasi ako ang prinsesa. Dapat ako ang laging bida. Ako lang at wala ng iba. Sa pamilya namin, ako ang masusunod at kung ano mang gustuhin ko, makukuha ko. Selfish ako nun. Maldita. Lahat inaaway ko. Ultimong kapitbahay namin, noong hindi niya ako pinahiram ng scooter niya, aba di ko nga pinansin ng ilang linggo. Nahihiram mo mga laruan ko, scooter lang pinagdadamot mo sa akin?! Kinulong ko sa CR at hinampas ng telepono sa ilong yung pinsan ko dahil sa napaka liit na di-pagkakaunawaan, walang tigil ang pagtulo ng dugo at luha sa mukha niya. Mean ako talaga. Suwail. Intrimitida. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko, kasi nga sa mundo ko, ako lang ang may karapatang magmaganda. Dahil nga nagiisa lang ako sa pamilya namin, lahat ng gustuhin ko, nabibigay sa akin. Pasasalamat ko lang sa mga magulang ko diba. Hindi sila nagkulang sa pagsustento sa mga pangangailangan ko. Hindi rin naman kasi ako abusado. Proud ako kahit papano sa sarili ko kasi never ko silang nasabihan na "Iisa na nga lang akong anak niyo, ang simple-simple lang ng hinihingi ko hindi nyo pa maibigay!" Yun siguro ang isa sa mga bagay na maipagmamalaki ko. Kahit naging masama ako sa kapwa ko bata, nirespeto ko naman ng bonggang-bongga ang mga nilalang na nagpalaki sakin. Tama sila, hindi talaga sila nagkulang sa pagmamahal nila para sa akin. At kailanman di ko mahahanapan ng butas ang sinabi nilang iyon.
Hindi naman nagtagal ang masama kong pag-uugali.Syempre habang lumalaki ang isang tao,namumulat ang mata niya sa kung ano ang tama at mali. Natutunan kong baguhin paunti-unti ang mga bagay na kinasanayan ko. Hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa akin. Malaki talaga ang impluwensya sa akin ng church, school at ng mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko sinasabing perpekto ako, nagkakamali pa din ako. I do not aim for perfection, I seek for progress.
Ngayong inienjoy ko ang buhay teen-ager, tska ko naman naiisip na sana pala nagkaroon na lang ako ng kapatid. Mahirap pa lang mag-isa. Halos lahat nga ng hingin ko nasasakin na pero hindi ko naman nararamdaman yung saya at tuwa ng mga kasing edad ko sa tuwing nagkukulitan sila ng mga ate o kuya o nakakabatang kapatid nila. Hindi ko naranasan makipagsabunutan sa isang kapatid dahil ginamit niya yung make-up ko ng walang paalam. Hindi ko nakitang tumakbo at matakot yung manliligaw ko dahil humarang samin ang kuya ko. Hindi ko nakurot si baby brother dahil dinrawingan nya ang project na pinaghirapan ko sa loob ng ilang araw. HINDI KO NARAMDAMAN ANG MGA YAN KASI WALA NAMANG MAGPAPARAMDAM SAKIN NG GANYAN. Kinaiingitan ako pag nalaman nilang only child ako. Naiinggit naman ako pag nakikita ko ang kaibigan kong hinahatid ng kuya niya o kung minsan di makakasama sa get together kasi kailangan bantayan ang nakababatang kapatid.
Madami akong tanong sa sarili ko. Paano kaya pag ganito, paano kaya pag ganon? Kung may kapatid ba ko ngayon....
1. Mapagaaral ako nila Mommy sa Manila?
2. Makakapagshopping pa din ako weekly?
3. Mabibigay ba sa akin ang mga 'needs' and 'wants' ko?
4. Makakapunta na kaya ako sa kanto ng ako lang mag-isa?
5. Hatid-sundo pa din kaya ako?
6. Irerequire pa din ako ni Daddy na itext siya minuminuto kung
nasaan ako?
7. Makakatabi ko pa kaya matulog sila Mommy at Daddy?
8. Lalambingin pa din nila ako?
9. Pwede na ako magpaligaw?
10. Baby pa din nila ako?
etc.. etc.. etc..
Haaayyy. Minsan ayokong isipin ang ganitong mga bagay. Pero kung minsan din, di talaga maiwasan eh. Masaya ako at kuntento. May mga pagkakataon lang talaga na kailangan ko iexpand ang curiosities ko at i-raise ang mga questions na alam ko namang kahit kailan hindi ko maiintindihan ang sagot. Kahit ano pa man yan, maswerte pa din ako kasi sa dinami-dami ng taong dapat mabuhay, isa ako sa nakasalo ng swerte at nabigyan ng pagkakataong masilip ang ganda ng mundo. :)